^

PSN Opinyon

Badge: Press ID

SAPOL - Jarius Bondoc -
TUNAY ang NBI badge at press card niya. Pero palsipikado ang Hapon na si Mori Teruhiko. Nabisto siya dahil iwinasiwas niya ang badge sa NAIA immigrations para ma-VIP treatment. At nang tanungin, iwinasiwas din ang press ID na "international correspondent" siya ng isang pagkaliit-liit na tabloid. Influence-peddler pala. Binili lang ang badge sa halagang P40,000 at ang press card nang P3,000.

Parang baligtad na ang mundo. Iniisyuhan ng badge ang isang agent para tuparin ang misyon, saka siya binabayaran. Binibigyan ng press card ang reporter para makilalang taga-kuha ng balita, saka rin sinusuwelduhan. Ang nagbabayad para magka-badge at press card, siguradong may masamang balak. Matagal nang raket ‘yan ng mga Pinoy. Pero ngayon lang nakabisto ng Hapon na gaya-gaya.

Mahal talaga ang bentahan ng NBI o PNP badge at ID card. Pansindak kasi. Ginagamit ng mga negosyante para makalusot sa traffic violation. Proteksiyon din laban sa mangingikil na pulis.

Pero ginagamit din sa krimen. Ilang kidnapper at drug lord na ang nahuling may law enforcement paraphernalia. ‘Yung small-time crooks, pangkikil lang. Kaya may biro sa PNP: May tsapa ka na nga, naghahanap ka pa ng suweldo.

Gan’un din sa press card at sticker. Binibili ng mga taga-Chinatown para pambugaw ng mga pulis na parang pulutong ng langaw kung dumapo at manghingi. O kaya pangsampal sa traffic aide.

Pinangko-cover din ang press card sa krimen. Ilang human smugglers ang nahuli kailan lang sa airport na may press ID para makalusot sa security. May nahuli ring illegal recruiter na kunwari’y newsman para makalusot sa kaso. May biro rin tuloy sa diyaryo: Mainam na pang-Christmas carolling ang press card.

Ang tunay na law enforcer o newsman, bihira lang kung bumunot ng badge o card. At mapagkumbaba pa kung nagkataon.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BADGE

CARD

HAPON

ILANG

JARIUS BONDOC

MORI TERUHIKO

PARA

PERO

PRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with