^

PSN Opinyon

Maaari nang makarinig ang may kapansanan sa pandinig

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Gaano man kaunlad ang teknolohiya lalo na sa larangan ng komunikasyon, ay hindi rin mahalaga kung kulang ang mga senses gaya ng paningin at pandinig. Walang silbi ang telebisyon, telepono, cellphones at iba pa kung hindi ito makikita o maririnig.

Sa mga taong may kapansanan sa pandinig, may mga makabagong paraan na ngayon para ito mapanumbalik. Sa aming pagdalaw sa Hi-Tech Hearing Center sa Medical Plaza Makati na pag-aari ni Dr. Eduardo D. Go, hindi ko maiwasang humanga sa mga modernong kagamitan na taglay ng nasabing klinika para sa mga pasyenteng may hearing impairment.

Ipinaliwanag ni Dr. Go ang pamamaraan sa paggamot ng hearing loss. Kinakailangan ang proper scientific tests gamit ang hi-tech equipment. Susuriing mabuti ang pasyente at bibigyan ng wastong hearing aid instrument na tutugon sa kanyang suliranin. Sinabi ni Dr. Go na ang pagkabit ng nasabing instrumento sa taynga ay kagaya rin ng pagsukat ng salamin na may tamang grado. Iba’t ibang laki, hugis at kulay ng mga hearing aid instrument ang ipinakita ni Dr. Go. May kasinlaki lamang ng monggo na halos ay hindi na makita kapag suot na.

Ipinayo ni Dr. Go na para maiwasan ang hearing loss dapat na kumain ng wastong pagkain, iwasan ang sobrang ingay o loud noise exposure, huwag magsi-self medicate at dapat na sumangguni sa isang espesyalista.

vuukle comment

DR. EDUARDO D

DR. GO

GAANO

HEARING

HI-TECH HEARING CENTER

IPINALIWANAG

IPINAYO

KINAKAILANGAN

MEDICAL PLAZA MAKATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with