^

PSN Opinyon

Masungit na lady official pinababa ang driver sa highway

-
Alam n’yo bang pinababa ng isang masungit na lady official ang kanyang driver sa highway?
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Silvestre Labay ng DZRH at Tonicoar Valdez.

Nakikiramay ako sa pagkamatay ni Ka Popoy Lagman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).
* * *
Alam n’yo bang may topak pala ang isang babaing opisyal ng pamahalaan?

Ayon sa aking bubuwit, pati matanda ay hindi niya pinatatawad kapag sinusumpong.

Kamakailan, mangiyak-ngiyak ang isang matandang driver dahil sa sinapit nito sa lady official.

Nagpahatid umano ang lady official sa Clark, Pampanga. Dahil hindi nila kabisado ang pupuntahang lugar, nagdala sila ng sketch. Nagpaikot-ikot ang dalawa sa Clark subalit hindi nila makita ang pupuntahang lugar. Hanggang inabot sila ng gabi.

Nang talagang hindi na nila mahanap ang pupuntahang lugar, na-high blood ang lady official. Minura nito ang matandang driver at pinababa sa gitna ng highway sa Clark Air Base. Pagkatapos ay ito na ang nagmaneho ng kotse at iniwan ang kawawang matanda.

Grabe ka naman Madam, para ka namang may tililing niyan.

Mabuti na lamang at may dalang pera ang matandang driver. Wala raw siyang nagawa kundi sumakay na lamang ng bus pabalik sa Metro Manila.

Kinabukasan, hindi umano siya nagpakita sa lady official na may topak. Bumalik na lamang siya sa motorpool.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, masyado palang perfectionist ang nasabing lady official kaya marami ang napapagalitan at minumurang empleado. Class naman daw ang mura nito sapagkat sa wikang Ingles tulad ng ‘‘bull____.’’

Ayon sa aking bubuwit, ang lady official na walang tumatagal na driver dahil may topak ay walang iba kundi si…

Ito naman ay talagang magaling, kaya nga lang ay madalas topakin. Ito ay morena, payat, may taas na 5’3’’ at appointee pa ng napatalsik na si Erap.

Ang opisina nito ay nasa kahabaan ng Buendia Ext., Makati City. Ito ay si Asst. Secretary M.T. as in May Topak.

vuukle comment

ALAM

AYON

BUENDIA EXT

CLARK AIR BASE

KA POPOY LAGMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with