^

PSN Opinyon

Matapat na hatol

- Ni Dadong Matinik -
Sa buong historya nitong ating bansa
ngayon lamang tayo masyadong nadusta,
pagkat ang Pangulong dapat ay dakila
tampulan ng puna’t mga alipusta!

At ngayon din lamang nangyari sa atin
na ang Presidente’y s’yang gigisahin
sa imbestigasyon ng senators natin
pagkat nahaharap sa isang impeachment!

Kung pagbabataya’y mga akusasyon
ang ating Pangulo’y mabibitay ngayon;
naging Presidente ay iba ang misyon
lumihis sa tama at sa bisyo’y gumon!

Ngayong nasa Senate ang kaso ni Erap
sana ang hahatol sa kanya’y matapat!
kagitingan nila’y dito malalantad
at habambuhay nang sa kanila’y tatak!

Aba’y hindi biro gagawing paghatol
ng mga kilalang jurists at senators;
huhusgahan nila’y Pangulo ng nasyon
dapat na tumpak lang husgang ipupukol!

Dapat na ang hatol ay maging katapat
ng gusto ng bayang sa kanya’y nag-angat;
tayo nga’y magdasal na ang husga’y tumpak
base sa konsensya at budhing matapat!

vuukle comment

ATING

DAPAT

ERAP

KANYA

LAMANG

NGAYON

NGAYONG

PANGULO

PANGULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with