^

Police Metro

Babae timbog ng NBI sa investment scam

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babae na hinihinalang investment scammer sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ka­sunod ng reklamong gina­gamit ang isang pekeng Notice of Award (NoA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), iniulat nitong Biyernes.

Ayon sa NBI-Special Action Unit (SAU), ang suspek na si alyas “Yhang” ay nadakip sa loob ng isang tanggapan ng gobyerno sa Zen Tower Building sa Ermita, Maynila, matapos tumanggap ng entrapment money mula sa mga undercover agents na nagpanggap na mga interesadong investor.

Nagsimula ang operas­yon matapos ang isang sumbong hinggil sa isang NoA na ginagamit ng suspek upang ilegal na makalikom ng mga high-yield investment mula sa publiko.

Sa beripikasyon, naglabas ng sertipikasyon ang DSWD-National Capital Region (NCR), na peke ang NoA at walang rekord sa kanilang procurement.

Modus ng suspek gamit ang Facebook group na manghikayat ng investor­ na may 10% balik o kita sa Welfare Employees Mul­tipurpose Cooperative (WEMC). Nakakuha umano­ ng malalaking kontrata mula sa DSWD-NCR ang koo­peratiba at ang NoA ay nakapangalan sa kanya.

Nasilo ang suspek nang makipagkita sa undercover agent na nagkunwaring interesadong mag-invest.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with