Independent medical exams, solusyon sa ‘hospital arrests’ – Lacson

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang mga independent medical examination tulad ng isinagawa kay dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang dapat maging tamang hakbang sa usapin ng “hospital arrests” na kinasasangkutan ng mga prominenteng personalidad na may kakayahang magtagal sa ospital.
Pinuri ni Lacson ang Sandiganbayan sa pag-uutos ng naturang independent medical examination kay Romualdez, sabay banggit ng pattern kung saan may ilang personalidad na nagpapa-confine sa ospital ngunit “himala” na gumagaling matapos mapatunayang walang dahilan para ipagpatuloy ang kanilang pagkakaospital.
Binanggit ni Lacson ang kaso ni Sen. Rodante Marcoleta, na nahaharap sa mga kasong graft at plunder at unang na-confine sa Philippine National Police General Hospital (PNP-GH).
Nakita pa umano si Marcoleta na dinala sa Sandiganbayan sakay ng wheelchair ngunit mabilis na naglakad paglabas sa anti-graft court, ayon kay Lacson.
Binanggit din ni Lacson ang kaso ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoan na na-confine rin sa PNP-GH ngunit tila malusog nang iniutos ang kanyang pagpapalaya
- Latest






















