^

Police Metro

Ex-Army General, hinirang na NTF-ELCAC Secretariat Head

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinalaga bilang Executive Director ng National Secretariat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang retiradong Army Lieutenant General Danilo G. Pamonag, na may malawak na karanasan sa mga operasyon kontra-terorismo at peace and development efforts.

Pormal siyang nanumpa sa seremonyang pinangunahan ni Executive Secretary Ralph G. Recto.

Sa kanyang bagong tungkulin, pangungunahan ni Pamonag ang pagpapalakas ng koordinasyon ng national government, local government units (LGUs), civil society organizations at mga komunidad upang maisulong ang pangmatagalang kapayapaan, serbisyo publiko, kabuhayan at oportunidad sa mga dating conflict-affected areas.

Kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagpapatupad ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) 2025-2028 at pagpapalakas ng Barangay Development Program (BDP), na naglalaan ng mga pangunahing proyekto tulad ng farm-to-market roads,tubig, elektripikasyon, health facilities at paaralan sa mga liblib na barangay.

Isa siya sa mga pangunahing commander noong 2013 Zamboanga Siege at namuno sa Joint Special Operations Task Force “Trident” noong 2017 Marawi Siege laban sa Daesh-inspired terrorist elements. Matapos magretiro sa militar, nagsilbi rin siyang DSWD undersecretary noong pandemya.

Layunin ni Pamonag na mapalakas ang kapayapaan sa pamamagitan ng konkretong programa at serbisyo na magbibigay ng trabaho, kabuhayan at mas maraming oportunidad sa mga dating lugar ng tunggalian.

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with