^

Metro

‘Birthday Cop’ viral ang kabayanihan sa sunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Birthday Cop’ viral ang kabayanihan sa sunog
Pat. Renzo G. Advincula
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inulan ng papuri sa social media ang isang patrolman na sa mismong selebrasyon ng kaarawan ay nagpakabayani nang kusang umakyat at binomba ng tubig ang ikalawang palapag ng isang nasusunog na bahay sa Bicutan, Taguig City, nitong Sabado, Setyembre 6.

Ayon sa Southern Police District, isang kahanga-hanga ang ginawa ni ­Patrolman Renzo Genido Advincula, isang dedikadong opisyal mula sa Pa­rañaque City Police Station, na sa kanyang kaarawan ay naispatan ng netizen ang pambihirang pagkilos sa gitna ng panganib sa biglang pagsiklab ng apoy sa Block 30 Lot 1, P-4 Martizano Street, Central Bicutan, Taguig.

Ayon sa SPD, si Advincula ay nagpakita ng isang yugto ng kabayanihan na sumasalamin sa panata ng SPD na maglingkod sa publiko ng walang pinipiling oras at pagkakataon, higit sa sarili ang binigyan ng sakripisyo sa halip na piliin ang espesyal na pagdiriwang ng kaarawan.

Pagbati at pagsaludo ng buong SPD: Happy, happy birthday, Patrolman Advincula! May your courage continue to inspire, as echoed in Hebrews 10:24: “And let us consider how we may spur one another on toward love and good deeds.”

“Patrolman Advincula’s actions exemplify the true spirit of the Philippine National Police—selfless, courageous, and unwavering in the face of danger. Even on his birthday, he chose service over self, proving that a true police officer is never off duty. His heroism is a shining inspiration not only to his fellow officers but also to the community we have sworn to protect,” ani SPD Acting District Director  PBrig. Gen. Randy Arceo.

SPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with