^

Metro

Quezon City LGU nagpaalala vs pekeng facebook post sa class suspension

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Quezon City Local Go­vernment sa publiko lalo na ang mga QCitizens na huwag agad maniniwala sa mga facebook post at hindi galing sa lehitimo at verified pages.

Ito ang pahayag ng QC LGU nang may kumalat na fake news sa isang FB page na ­Quezon City Page na may anunsyo ng suspensyon ng klase sa lungsod mula sa DILG nitong Martes, September 2, 2025.

Nilinaw ng QC LGU na walang katotohanan ang post na ito, at malinaw na fake news na layong linlangin lamang at magpakalat ng maling impormasyon sa publiko.

Dulot nito, pinaalala ng QC Govt na tanging sa opisyal na Facebook page lamang na Quezon City Government inilalabas ang anumang anunsyo ukol sa suspensyon ng klase sa lungsod ngayong panahon ng tag-ulan.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with