^

Metro

Bigtime ‘tulak’, huli sa P3 milyong marijuana

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Huli sa buy-bust operation ng  Quezon City Police District (QCPD)-Drug Enforcement Unit (DEU) ang isang bigtime na ‘tulak’ ng marijuana, kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni QCPD- DEU Officer-in-Charge PMaj. Wennie Ann Cale ang suspek na si Joseph Ang, 22, ng Brgy. 172, Caloocan City at nakalista bilang Regional Priority Target Drug Personality.

Lumilitaw na dakong alas-8:30 ng umaga kahapon  nang isagawa ang drug operation sa Elliptical Road, Brgy. Old Capitol Site,  matapos na isang impormante ang nagsumbong sa kapulisan ng ilegal na gawain ng suspek dahilan upang ikasa ang operasyon laban dito.

Isang pulis ang bumili ng marijuana sa halagang P50,000 at nang magkaabutan ay dito na dinakma si Ang.

Nakumpiska mula sa suspek ang 25 kilo na pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P3 Milyon.

Nakapiit na si Ang at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

DEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with