^

Metro

200 bakawan itinanim sa Malabon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa 200 punla ng bakawan ang itinanim ng Malabon LGU sa kahabaan ng Dampalit Mega Dike nitong Biyernes bilang bahagi ng mga programa nitong pagpapanumbalik sa ecosystem ng mga baybayin at pagpapalakas ng proteksiyon ng mga komunidad laban sa epekto ng pagbabago ng klima.

Ang aktibidad na pinamagatang “Green Ambassadors: Growing Together for a Blue Resilient Malabon” ay dinaluhan ng mahigit 150 kalahok  sa pangunguna ng City Tourism and Cultural Affairs Office (CTCAO), katuwang ang CENRO, Kabataang LODI, DENR, ACCORD, at CARE Philippines. Nakiisa rin sina Lotte Marie Van De Sande, kinatawan ng Miss Earth Netherlands 2026; Robert Van Dee Hum, Deputy Ambassador ng Netherlands Embassy sa Pilipinas; at ang mga kinatawan ng Ginoo at Binibining Malabon 2026.

Ayon kay Mayor Jeannie N. Sandoval, mahalaga ang pagtatanim ng bakawan hindi lamang sa pagpaparami ng mga puno kundi maging sa pangangalaga sa mga baybaying komunidad at paghahanda para sa susunod na henerasyon. Sinabi naman ni CTCAO Officer-in-Charge Catherine Larracas na maaari ding makatulong ang mga programang nakabatay sa kalikasan sa pagpapaunlad ng ekoturismo sa lungsod.

Binigyang-diin naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa pangangalaga ng kapaligiran.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with