^

Metro

3 Chinese timbog sa prostitution den

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong Chinese national matapos isuplong ng kanilang landlady makaraang gawing pro-stitution den ang gusaling inookopahan sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Zhang Yong, 48; Lai Jin Cheng Yuan, 29; at Yin Yuan Sheng, 33, pawang oku­pante ng JKL Bldg. Guanzon Street, Brgy. Pobla­cion, Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police Station, dakong alas- 4:00 ng hapon nang salakayin ng operatiba ang JKL building, kasama ang may-ari ng gusali na si Susan Lim at doon nakumpirma na isang prostitution den ang ika-walong palapag o rooftop ng gusali.

Unang nagtungo sa pulis­ya si Lim upang ireport ang hinala niya na ginagawang prostitution den ang kanyang gusali ng tatlong dayuhan.

Ginagamit umanong  show­rooms ng mga babaeng prostitute ang rooftop habang sa iba’t ibang silid naman na may mga kama, beddings, kumot, unan, sofa bed at na­rekober ang mga kahon at nakaplastic na mga condom at iba pang sex paraphernalias.

Makaraang mabuko nag-alok pa ang mga suspek ng P100,000. kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa kanila na tinanggihan ng pulisya  at sa halip ay binitbit sila kung saan nadagdagan pa ang kaso laban sa mga ito.

vuukle comment

PROSTITUTION DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with