^

Metro

Ama, ipinakulong ng minartilyong anak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang balut vendor matapos na pagbalingan ng init ng ulo at martilyuhin ang kanyang 11-anyos na anak na lalaki nang magalit siya sa ina ng bata sa Marikina City kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang itinago sa pangalang ‘Totoy’ ay nagtamo ng mga sugat sa kanyang likod, kanang braso at iba pang parte ng katawan sanhi ng ginawang pagmartilyo sa kanya ng amang  si Carlo Gonzales, 37, tubong Sorsogon, at kasalukuyan naninirahan sa De Guzman St., Olandes, IVC, ng Marikina City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Women’s  and Children Protection Desk (WCPD) ng Marikina City Police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-2:00 ng hapon sa loob mismo ng kanilang bahay.

Sa reklamo ng biktima, dumating umano ang kanyang  ama at agad itong nagtanong kung nasaan ang kanyang nanay. Sinabi umano ng biktima na umalis ang ina dahil nagtrabaho ngunit ikinagalit ito ng suspek at kaagad umanong dumampot ng martilyo at inihataw sa bata.

Wala namang nagawa ang bata sa pagmamalupit ng ama ngunit nang dumating ang kanyang ina ay kaagad itong nagsumbong. Lumilitaw na  madalas umanong  mag-away ang mag-live-in partner dahil sa sobrang pagiging seloso  ng suspek.

Madalas din umanong saktan ng suspek ang mag-ina kaya’t minabuti na nilang isuplong ito sa awtoridad at ipakulong.

vuukle comment

ARESTADO

CARLO GONZALES

CHILDREN PROTECTION DESK

DE GUZMAN ST.

LUMILITAW

MADALAS

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

OLANDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with