^

Metro

Lalaki tinodas sa flyover

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinagbabaril sa ibabaw ng isang overpass, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Inisyal na nakilala ang biktima sa alyas na “Joker”, nakasuot ng itim na kamiseta, shorts at tsinelas.

Biniberipika naman ng pulisya ang pagkatao ng biktima upang mabatid kung isa rin itong holdaper makaraang marekober sa posesyon nito ang tatlong cellular phones, dalawang charger at isang rolyo ng electrical tape.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, na­tagpuan ang bangkay pasado alas-11 ng gabi sa ibabaw ng flyover sa may Brgy. Pinagsama kung saan madalas na maganap ang mga holdapan.

Ayon sa isang saksi na tumangging magpakilala, nakita nito ang biktima na bumaba ng isang pam­pasaherong jeep sa may C-5 Road at umakyat sa flyover saka nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Narekober ng pulisya ang 12 basyo ng bala buhat­ sa kalibre .9mm pistol tanda­ na sobrang galit ang sa­larin na pumaslang dito.

Habang hawak naman ang mga ebidensya, biglang nag-ring ang isa sa cellphone na sinagot ng isang pulis.

Nagpakilala ang caller na isang textmate lamang ng biktima na kinilala nito sa alyas Joker.

May teorya rin ang pulisya na maaaring ka­samahang holdaper din ng biktima ang pumaslang dito makaraan na magkaroon ng onsehan.  

vuukle comment

AYON

BINIBERIPIKA

BRGY

HABANG

INAALAM

INISYAL

ISANG

NAGPAKILALA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with