^

Metro

Motorsiklo ng parak, kinarnap

-

MANILA, Philippines - Nadakma ng isang pulis Maynila ang isa sa dalawang karnaper na naaktuhan niyang tinatangay ang kaniyang motor­siklo, na nakaparada sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Nakapiit na sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang suspek na si John Henson, 33, resi­dente ng   Aguilar St., Binondo, Maynila at miyembro ng Bahala na Gang nang bitbitin siya ng biktimang si PO2 Jupiter Tajonera.

Kinilala naman ang nakatakas nitong kasamahan na si Ricardo Austria, alyas “Boy Nognog”, ng Kusang Loob St., cor Tayuman St., Sta Cruz, Maynila.

Nabatid na ginising ang pulis ng sekyu na si Allan Porras dahil sa pagpindot ng busina ng dalawang suspek sa kaniyang nakaparadang motorsiklo sa parking lot, malapit sa kaniyang bahay sa 1015 P. Noval St., Sampaloc, Maynila, dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Agad namang pinuntahan ng pulis ang kanyang motorsiklo at doon nga naabutan niya pang magka-angkas na ang mga suspek sa kaniyang motor kaya hinablot niya ito at nahulog ang naka-angkas na si Henson na kanyang naaresto, habang tuluyang nakatakas si Austria. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AGUILAR ST.

ALLAN PORRAS

BOY NOGNOG

JOHN HENSON

JUPITER TAJONERA

KUSANG LOOB ST.

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with