^

Metro

16 katao na-stranded sa tumigil na elevator

-

Na-rescue ng Makati City Government at Bureau of Fire Protection (BFP) ang labing-anim na  katao na na-trauma nang maistranded ang mga  ito ng ilang oras sa isang elevator na ka­nilang sinasakyan sa isang  gusali, Makati City kahapon ng madaling-araw.

Base sa report, dakong ala-1 ng madaling- araw nang tumigil ang isang elevator ng The Columns Building, na may 31 palapag, na mata­tagpuan sa Malugay St., sa panulukan ng Ayala Avenue, ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na nagkaroon ng power fluctua­tion cut  ang kuryente nito, na naging da­hilan upang umuga ito ng malakas hanggang sa  tumigil ang elevator ng naturang gusali.

Kung saan naistranded ang labing-anim na  pasahero dito nang halos mahigit isang oras, dahilan upang ma-trauma ang mga ito.

Kung kaya’t dali-daling nagresponde ang mga kagawad ng Makati City Rescue Team at BFP sa naistranded na mga pasahero.

Naging ligtas naman ang mga biktima at wala namang napaulat na may nasugatan sa nabang­git na insidente, maliban lamang na  halos tulala ang ilang pasahero nito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA AVENUE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

COLUMNS BUILDING

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY GOVERNMENT

MAKATI CITY RESCUE TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with