^

Metro

Bungo ng ina, dinurog ng anak

-
Patay ang isang ina nang bagsakan ng malaking tipak ng bato sa ulo ng sarili nitong anak na mistulang sinapian ng demonyo dahil sa impluwensiya ng droga ma tapos na mabatid na balak siyang ipa-drug test ng una, kamakalawa ng gabi.

Pisak ang ulo ni Nenita Enriquez, 45, ng Citizen Street, Intervilla Subdivision, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City, samantalang agad namang naaresto ang suspect na si German Enriquez, 29, matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit, umuwi ng bahay ang suspect na lasing at nasa impluwensiya ng droga dakong alas-10 ng gabi.

Nauna na itong nagalit nang datnan ang ulam na tuyo at inutusan ang ina na bumili ng ibang ulam. Dito na nagtalo ang mag-ina hanggang sa magbanta ang biktima na muli itong ipapa-rehab kung hindi titigil sa paggamit ng droga.

Nabatid na lumabas ang dalawa ng bahay kung saan dito na dumampot ng malaking tipak ng bato ang suspect at saka ibinagsak sa ulo ng ina na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Madaling-araw na nang madiskubre ng mga residente ang bangkay ng biktima. Agad namang inaresto ng mga opisyal ng barangay ang suspect at saka isinuko sa pulisya.

Nabatid na nawawala rin ang P1,000 pera ng nasawi na hiniram pa nito sa kapitbahay para magamit sa pagpapa-rehab sa anak. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

CITIZEN STREET

DANILO GARCIA

GERMAN ENRIQUEZ

INTERVILLA SUBDIVISION

NABATID

NENITA ENRIQUEZ

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

SAN AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with