Titan Ultra out na sa PBA
MANILA, Philippines — Hindi man lang nag-init sa PBA ang Titan Ultra Giant Risers matapos tanggalan ng prangkisa dahil sa paglabag sa 3 patakaran ng liga ayon sa biglaang desisyon nito kahapon.
Ayon sa PBA, 3 bigating batas ang nilabag ng Titan bilang team at franchise owner sa kauna-unahang pro league sa Asya na naging sapat upang sibakin sila sa liga matapos ang desisyon ng PBA Board of Governors’ noong Nobyembre 19.
“The PBA has approved the termination of the franchise membership of Pureblends Corporation,” pahayag ng PBA.
“Following a thorough review of the facts and supporting documentation, the league voted to revoke Pureblends Corporation’s membership in the Association based on three clear violations of the PBA Constitution and By-Laws (PBA CBL).”
Pinakamabigat na naging paglabag ng Titan Ultra ang “gross misrepresentation” sahog ang “lack of financial capacity” at “unathorized change in ownership and control” bilang pinakabagong koponan sa PBA.
“Pureblends Corporation violated Section 9(g) of the PBA Constitution and By-Laws, which expressly prohibits any applicant or member from “willfully misrepresenting any material fact contained in its application for membership in the Association,” dagdag ng PBA.
Nabili ng Giant Risers ang prangkisa ng NorthPort noong Oktubre 2025 sa napaulat na halagang aabot sa P90 milyon subalit isang season lang ang tinagal kumpara sa mga long-time franchises sa 12-team league.
Kahit isang beses sa 3 conferences nito ay hindi nakapasok sa playoffs ang Titan Ultra matapos mag-rehistro ng kabuaang 8-27 kartada. Nagkasya sa 4-7 marka ang Giant Risers sa Philippine Cup bago mangulelat sa parehong 2-7 baraha sa Commissioner’s Cup at Governors’ Cup.
Ayon sa PBA ay magaanunsyo pa sila ng dagdag na detalye ukol sa makasaysayang desisyon .
- Latest
















