Full-scale earthquake, tsunami drill isasagawa sa Cagayan
MANILA, Philippines — Isasagawa ngayong araw ang full scale tsunami at earthquake drill sa Sta. Ana, Cagayan kasabay ng pagsasagawa nito sa iba’t iba pang bahagi ng bansa.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), sa nasabing pagsasanay ay susubukin ang kahandaan ng mga komunidad sa pagtama ng delubyo ng lindol at tsunami sa pamamagitan ng Fourth Quarter National Simultaneious Eartquake Drill (NSED) na pangungunahan ng kanilang tanggapan katuwang ang iba pang mga tanggapan sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga lokal na pamahalaan.
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kung saan karaniwan ng nakakaranas ng lindol at tsunami sa bansa.
Ang full-scale exercise sa Santa Ana, Cagayan, bilang pangunahing pilot area ngayong quarter, ay kasabay ng mga earthquake drill at exercise sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sisimulan ganap na alas-9 ng umaga.
Bago ito, magkakaroon ng programa dakong alas-8 ng umaga na susundan ng ceremonial pressing of the button sa ganap na alas-9 ng umaga bilang hudyat ng pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold at evacuation drill.
Ayon sa OCD, nilalayon ng pagsasanay na masuri at pagtibayin ang mga mekanismo at plano ng bayan ng Cagayan kabilang ang Contingency Plan for Earthquake and Tsunami at pagpapatupad ng Regional Disaster Response Plan (RDRP).
- Latest





















