Higit P29 milyong sigarilyo nasabat ng BOC

Idineklarang scrap metal
MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 320 kahon ng Astro at Redwood cigarettes na nagkakahalaga ng P29.17 milyon sa merkado matapos madiskubreng nakatago ang mga ito sa shipment na idineklarang scrap metal sa Subport of North Harbor.
Ayon sa BOC, nadiskubre ang mga sigarilyo sa inspeksiyon ng dalawang 20-foot container mula Zamboanga, sa tulong ng K9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Natagpuan din sa kabilang container ang mga white cigarette filter na nakasilid sa mga kahong may Chinese markings.
Tinatayang P9.6 milyon ang import value ng mga produkto. Binigyang-diin ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na paiigtingin ng BOC ang inspeksiyon at intelligence operations laban sa mga ilegal na produktong ipinapasok sa bansa gamit ang maling deklarasyon.
- Latest




















