Desiree, tinigbak na sa 'Tabing Ilog'
Marami ang nanghihinayang sa pagkawala ng bokalista ng isang sikat na bandang hinahangaan ng mga kabataan, may bisyo man o wala.
Mula kasi nang mawala sa grupo ang bokalistang ’yun ay ramdam ang paghina ng banda, parang nawalan sila ng ningning, kaya nalampasan na sila ng iba pang bandang nakasabayan nila.
Totoong nakaapekto sa grupo ang kawalan ng bokalista, pero ayon sa mga nakausap naming katropa ng grupo ay hindi bale na, kesa naman sa mamatay sila sa pamomroblema.
Sobra-sobrang luha at dugo na pala ang nauubos ng grupo dahil sa kayabangan ng bokalistang ito, bukod daw sa palalo na ay may pagkamakasarili pa, kaya hindi bale nang mawala siya sa grupo.
Maliit man ang kinikita nila ngayon na kasyang-kasya lang sa kanilang mga pangangailangan ay okey na rin, dahil may katahimikan naman sila ng kalooban.
Kung matatandaan ay maraming talent coordinator ng iba’t ibang programa sa telebisyon ang naging problemado sa tropa kapag igini-guest sila, palagi kasing huli nang ilang oras sa call-time ang grupo, bukod sa mapag-inarte.
Ngayon na lang lumalabas ang dahilan ng lahat, ang bokalista pala ang palaging problema ng grupo dahil wala siyang disiplina sa oras.
Dahil sikat na sikat nga sila noon, ang katwiran ng bokalista ay hihintayin daw naman sila ng show dahil kung wala sila ay hindi magre-rate ang programa.
Ganu’n din ang ugali ng bokalista sa mga tinatanguan nilang kompromiso, hindi siya dumarating sa oras, grand entrance ang gusto niyang mangyari palagi.
At kapag nagli-lipsynch lang sila bilang promo ng kanilang album at may topak ang singer, ang mga lyrics pala ng kanilang kanta ay binabagu-bago ng bokalista, minumura niya ang publiko.
Minsang pinanood ng ilang kasamahan namin ang nakaraang guesting ng banda sa isang variety show ay totoo nga, puro mura pala ang lumalabas sa bibig ng bokalista, kapag nagli-lipsynch lang sila.
Dati nang hambog ang singer noon pa, sabi ng mga kaklase niya sa isang kilalang pamantasan, kaya hindi nakapagtatakang mas yumabang pa nu’ng magkaroon na siya ng pangalan.
Ang pangalan ng bokalistang ito ay kilalang-kilala, kapangalan kasi niya ang isang lugar sa Makati.
|
|
Umaksyon na ang Talent Center sa ipinakikitang kawalan ng propesyonalismo ng maganda pa naman sanang si Desiree del Valle. Pinatay na ang kanyang karakter sa Tabing-Ilog, "the late Coreen" na lang ngayon ang papel ni Des sa nasabing show.
Ang inaabangan na lang ng marami ngayon ay kung kailan naman papatayin ang kanyang karakter sa Bituin, dahil tulad sa Tabing-Ilog ay problema rin ng produksyon ang dalaga sa pagiging laging late sa taping, at kung minsan nga’y hindi pa sumisipot.
Kailan naman kaya tatawaging "the late Bernadette" ang papel ng dalaga sa Bituin?
Sa huling episode na napanood namin ay tumagibang ang mukha ni Desiree nang sampalin ni Carol Banawa sa kanilang komprontasyon, apektado na rin kaya si Melody sa palaging pagpapahintay sa kanila ni Desiree, kaya dinaan na lang niya sa sampal ang kanyang pagkainis?
Dapat lang namang gawaran na ng parusa ng Talent Center ang dalagang ito para magkaleksyon, hindi magiging parehas ang TC sa iba, kung wala man lang parusang matatanggap si Desiree sa kawalan niya ng disiplina sa trabaho.
Babalik na lang daw uli sa Amerika si Desiree kasama ang kanyang karelasyong tibo, mabuti pa raw sa Amerika at tahimik ang kanilang buhay.
Mas mabuti pa nga, kung ganu’n.
- Latest
- Trending

























