Tams susuwagin ng Blue Eagles
MANILA, Philippines — Lumabas ang bagsik ng Far Eastern University ng sumadsad agad sila sa una nilang laro sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament.
Pagkatapos ng 56-53 pagkatalo sa Adamson University noong Setyembre 13 ay biglang nanuwag ng tatlong sunod na panalo ang Tamaraws upang upuan ang tuktok ng team standings.
Pagkakataon ng FEU na pahabain ang kanilang winning streak sa apat sa pagharap nila sa Ateneo ngayong alas-5:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.
Nasilo ng FEU ang solo liderato nang pagulungin nila ang University of the Philippines, 90-79, noong Linggo para iposte ang kanilang 3-1 record.
Ipaparada ng FEU sina Kirby Mongcopa, Jorick Bautista, Janrey Pasaol at Mo Konateh mga naging susi sa panalo ng Tamaraws kontra Fighting Maroons.
Para sa Blue Eagles, pakay naman nilang bumangon mula sa pagkakadapa sa huli nilang laro.
Samantala, magsasagupa naman ang UST at NU sa unang laro sa alas-3 ng hapon.
- Latest



















