^

Police Metro

Sara,’di humarap sa NBI; abogado nagsumite ng affidavit vs paratang ni Gracioso

Mer Layson, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi humarap kahapon si Vice President Sara Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa imbestigasyon sa alegasyong cash delivery ng nasibak na pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.

Magugunita na inaasahang haharap si VP Duterte sa NBI noong Lunes, ngunit humiling ang kanyang kampo na i-reset ang investigative conference ngayong Huwebes.

Bagkus ang dumating kahapon ng alas-10:15 ng umaga ay ang abogado nitong si Atty. Clifford Chua na nagsumite ng affidavit ng Bise Presidente.

Dala rin ni Chua ang mga larawang iprinisenta ng Bise Presidente sa isang press conference noong Martes at naniniwala na may basehan ang pagsasampa ng perjury laban kay Gracioso, pero depende pa rin kay VP Sara.

Matatandaang sa isang pulong balitaan ay una nang binasa ni VP Sara ang kanyang salaysay kaugnay sa paratang ni Gracioso na naghatid ito ng male-maletang pera sa kanya, sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

“Mariin kong tinatanggi ang mga pahayag ni Rodulfo Mondigo Gracioso Jr., sa kaniyang sinumpaang salaysay at mga panayam sa media na iniuugnay ako sa mga pangyayaring hindi ko ginawa,hindi ko nalalaman, o hindi ko personal na naranasan,” ani VP Sara.

Sinabi rin ni VP Sara na pera at galit sa pamilya Velasco ang motibo ni Gracioso sa pagpaparatang laban sa kanya.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with