Acclang host, napagkamalang pumanaw na
NAGKAYAYAANG kumain ang ilang showbiz friends kasama ang isang acclang host na may pangalan na.
Habang kumakain, may nakabantay sa kanilang waiter para kunin ang orders at iba pang kailangan.
Nang makatiyempo ang waiter, nagtanong siya sa acclang host kung lumalabas siya sa TV at tumango si accla.
Kasunod nito ay nagsabi ng pangalan ang waiter. Halos masamid si acclang host sa sinabing name ni accla!
Tumili si accla ng, “Ano? Patay na ‘yung sinasabi mo!” sabay irap sa waiter!
Eh ang tinutukoy ng waiter eh ang co-host ng isang female host sa isang reality na gaya sa isang foreign show kung saan nagbabardagulan ang audience bilang parte ng show!
Namatay na ang co-host na lalaki ng female host kaya naloka si accla sa tinurang name ng waiter at sabing, “Alive and kicking pa ako!”
End of chikahan!
Ivana, kinaiinggitan!
PATULOY ang pagtulong ni Ivana Alawi kahit binatikos sa pamimigay ng iPhone at relief goods.
Eh may tumutulong naman kay Ivana kaya keber niya kung batikusin!
This time naman, motor ang ipamimigay niya sa masuwerteng followers niya. Sundin lang ang instructions kung paano sumali at i-scan ang QR code.
Mas mahal ang motor eh kung may sponsor na makukuha, eh bakit ipagkakait ni Ivana ng tulong?
Marami talaga ang inggit kay Ivana!
- Latest






















