Pagtanggap ni VP Sara, Mans Carpio ng P469 milyong sa China, bubusisiin sa ‘bank at tax records’
Kasunod ng expose ni Trillanes
MANILA, Philippines — Mapapatunayan ang expose ni dating Senador Antonio Trillanes IV kung mayroong source ng pondo mula sa China sa pamamagitan pagbusisi sa mga bank at tax records ni Vice Presidente Sara Duterte at mister nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio sa pagbusisi sa mga dokumento sa Senate impeachment court.
Ito ang inihayag ni House prosecutor spokesman Atty. Jay Tolosa sa Dapo News Forum sa Quezon City.
“And I’m sure ang in-expect ng mga tao in relation to what we heard yesterday (Friday) sa naging press conference ni Sen. Trillanes, he mentioned some bank transactions (of the Vice President and her husband Manases Carpio),” saad ni Tolosa.
Sa susunod na impeachment trial, ipiprisinta ng prosekusyon ang mga testigo mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), banks at financial institutions, gayundin ang Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa expose ni Trillanes, sinabi nito na si VP Sara ay may time deposits sa local currency at US dollars noong 2007 at 2008 na hindi naideklara sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Ang Chinese government at Chinese companies umano ay nag-remit ng P319 milyon sa Calle 88, ang business entity ni Carpio at nag-donate pa ng P150 milyon sa Malasakit Foundation ni VP Sara.
Ibinuking pa ni Trillanes na ang mga Duterte ay nakatanggap ng P181 milyon mula umano sa pinaghihinalaang drug lord na si Sammy Uy.
Kaugnay nito, sinabi ni Talosi na seryoso ang naging expose ni Trillanes at iginiit na sisilipin ng prosecution panel kung ang alegasyon ay tutugma sa mga ipiprisintang dokumento o rekord ng mga bangko, iba pang pinansyal na institusyon sa mag-asawang Duterte at Carpio.
- Latest



















