^

Police Metro

Pagtanggap ni VP Sara ng pera mula sa China, pagtataksil sa bayan – Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maituturing na “pagtataksil sa bayan” (act of treason) kung mapapatunayang totoo ang mga alegasyon na tumanggap ng pondo mula sa gobyerno ng China si Vice President Sara Duterte kung mapatuna­yan ang mga ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa isang press conference, kahapon.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na aniya ay hindi dapat na balewalain lalo pa at ito ay isang public official.

Ayon kay Castro, hindi maghuhusga sa ngayon ang administrasyon ngunit dapat na malaman ng taumbayan kung may basehan ang mga inihayag ni Trillanes.

Sinabi ni Castro na ang mga kumukunsinti sa ganitong gawain ay dapat na kalusin agad at huwag hayaang ang ibang opisyal pa ang dudurog sa sariling bansa.

Kaya pala aniya tahimik ang opisyal sa mga nagaganap na karahasang naranasan ng mga mangingisda at puwersa ng gobyerno sa kamay ng Chinese coast guard at Chinese militia dahil handang ipamigay ng iba ang bahagi ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Castro na dahil sa pera ay ­kayang ipagpalit ng ibang opisyal ang pagmamahal sa sariling bayan at ibenta ang kalayaan ng bansa.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with