^

Entertainment

Ang Puso ng Ina’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
Ang Puso ng Ina�
SELFIA (Selfie na Sepia) — Ang Poet N’yo at ang Mama n’ya, Emma Ramos de Leon. Wala pang Instagram at Twitter nung kunan ang larawang ito ngunit meron na akong INSTANT GUARDIAN and TEACHER. I love you Mama! ‘

Araw ng mga Puso nakalipas na

Ngunit nais ko lang bigyang pag-alala

Ang isang tulang mula elementarya,

‘Di na humiwalay sa aking memorya!

 

Natitiyak ko lang na sa bawat linya,

Ginamit na silabo’y labindalawa!

Sa sumulat nito kung sino man siya,

Sumaksak sa utak ko ang iyong pluma!

 

Maaring ibang salita’y naiba na

Sapagkat tulad mga dahon kumbaga —

Nalaglag, nagpalit, hangin dinadala

Subalit sa takbo ako ay tiyak pa!

 

Ang sabi ng mutya sa binatang sinta,

‘Kung mahal mo ako’t tapat kang talaga,

Bukas na bukas din dito’y magbalik ka

Na taglay ang puso ng mahal mong ina!’

 

Dugtong ng diwata bilang paliwanag

Sa tila malabo niyang pangungusap,

‘Siya’y patayin mo at ang pusong hawak

Ay dalhin sa akin pagdatal ng bukas!’

 

At itong binatang baliw sa pagsuyo,

Sa hangad ng mutya’y aliping sumuko!

Pinatay ang ina’t kinuha ang puso

Na may sariwa pang dugong tumutulo!

 

Itong binatang patungo na mutya,

Sa pagmamadali’y natisod, narapa!

Sa batong nag-usli nahampas ang mukha

At ang pusong hawak nabitiwang bigla!

 

Ang puso ng inang may dugong nunukal,

Gumulong sa tabi ng anak na mahal

At saka nagwikang lipos pagdaramdam,

‘Anak ko o anak ikaw ba’y nasaktan?’

 

At narito pa ang tunay na dahilan

Kung bakit tulang ito inilarawan —

Ang MAHAL KONG INA ang hinahandugan,

Nang nakaraang Linggo sya’y namaalam!

 

Tulad tulang itong ‘di na nalimutan,

Ganon ka rin MAMA sa aking isipan,

Salamat sa bigay mong UNANG TAHANAN…

Thank you MAMA sa iyong sinapupunan!

vuukle comment

EMMA RAMOS DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with