^

Dr. Love

Kontra ang bf na mag-abroad

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

College days pa lang ay magdyowa na kami ng boyfriend ko. Malapit na akong “mabura sa kalendaryo,” pero hindi ko pa rin matanggap ang alok niyang kasal. Dahil pinag-aaral ko pa ang mga kapatid ko, nag-aalangan ako. 

Plano ng nobyo ko na magpakasal na kami at tutulungan daw niya ako sa mga kapatid ko, pero natatakot ako na baka sumbatan niya ako balang araw.

Nag-aalala rin siya na baka hindi na kami magkaanak dahil sa edad ko. Pero paano ko iiwan ang responsibilidad—matatanda na ang magulang ko para sila pa ang maghanap-buhay. 

Hindi ko rin masabi sa boyfriend ko na gusto kong mag-apply abroad bilang titser para mas madali akong makatulong sa mga kapatid ko at sa future naming dalawa. Nang magpahaging ako, bigla siyang naging “nega.” 

Ang sagot niya, kung aalis daw ako ay maghahanap na lang siya ng iba. Nanghihina-yang ako sa tagal ng relasyon namin, pero ano ba ang dapat kong gawin?

Dolly

Dear Dolly,

Naiintindihan ko ang bigat ng sitwasyon mo. Mahaba na ang inyong relasyon kaya natural lang na magmadali ang boyfriend mo na magpakasal. Pero tama ka na dapat malinaw ang plano mo—lalo na kung ang pag-a-abroad ay para rin sa kinabukasan ninyong dalawa.

Ipaliwanag mo sa kanya na ang desisyon mong magtrabaho sa ibang bansa ay hindi pagtakas, kundi paraan para mas maging matibay ang pundasyon ng inyong pamilya. Kung tunay ang pagmamahal, dapat handa siyang maghintay at sumuporta. 

Ang kasal ay hindi lang tungkol sa pagmamadali, kundi sa tamang panahon at tamang paghahanda. Kausapin mo siya sa oras na kalmado, at ipakita na ang plano mo ay para rin sa inyong dalawa. 

Kung hindi niya kayang tanggapin ang sakripisyo mo, tanungin mo ang sarili kung iyon ba ang partner na gusto mong makasama sa habang buhay.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with