^

Dr. Love

Happy heart

-

Dear Dr. Love

A very pleasant greeting to you and your staff. Just call me Happy Heart.

Gusto ko ang tawag na ito dahil talagang lagi akong happy. Mapagpatawa at palaging center of attraction sa gatherings dahil sa sense of humor ko.

Twenty one years old na ako at isa pa ring binata na nagtatrabaho bilang call center agent.

May nagustuhan akong kasamahan sa trabaho. Bago lang siya. Balak ko siyang ligawan pero nalaman kong may asawa na siya. ‘Yun palang sumusundo sa kanyang lalaki ay asawa niya at mayroon na silang baby.

Dahil dito’y hindi na ako Happy Heart at nagtataka ang mga kasamahan ko dahil hindi na ako nagjo-joke.

Paano ko matatanggal sa isip ko ang babaeng ito na mahal ko?

Happy Heart

Dear Happy Heart,

Hindi ko alam kung paano mo siya malilimutan. Ang masasabi ko’y kailangan mo siyang limutin sa ano mang paraan dahil may asawa na siya. Kung papaano, bahala kang gumawa ng paraan.

Hindi lang naman nag-iisa ang babaeng iyan. Natitiyak ko na kung igagala mo ang iyong pananaw, marami kang makikita riyan na karapat-dapat mahalin at ibigin.

Huwag mong hayaang huminto sa paggalaw ang mundo dahil lamang sa isang tao.

Dr. Love

vuukle comment

BALAK

DAHIL

DEAR HAPPY HEART

DR. LOVE

HAPPY HEART

HUWAG

MAPAGPATAWA

NATITIYAK

PAANO

YUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with