^

Dr. Love

Patay malisya na lang

-

Dear Dr. Love,

Gusto ko pong malaman kung may karapatan akong mainis sa kaibigan kong babae, na parang sinasadya ang paglalambing sa akin, officemate ko si Jo Anne at kasama rin namin sa opisina si Rose, ang babaeng crush ko bagaman hindi ko pa naipagtatapat ang aking saloobin sa kanya.

Una kami ni Jo Anne sa aming opisina ng pumasok si Rose bilang executive secretary ng boss namin. Alam ni Jo Anne na kursunada kong ligawan si Rose at nagtataka nga ako kung bakit big­lang kung tratuhin niya ako ngayon ay parang boyfriend niya.

Gusto ko po sanang ipabatid kay Jo Anne na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at sana ay hindi magbago ang pagtitinginan namin bilang magkaibigan dahil si Rose talaga ang nilalaman ng aking puso at ayaw kong masira ang aming pinagsamahan dahil lang dito. Paano po ba ang dapat kong gawin para hindi siya umasang balang araw, sa kanya mababaling ang pagtingin ko?         

Payuhan mo po ako. Hindi ko nais na masira ang pagkakaibigan namin ni Jo Anne dahil matapat naman siyang kaibigan at nang panahong bago pa lang ako sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, siya ang tumulong sa akin para makita ng aming boss ang aking potensiyal sa trabaho.

Dapat ko na bang simulan ang panliligaw kay Rose para ipakita kay Jo Anne na espesyal ang pagtingin ko sa babaeng itinitibok ng aking puso.

Maraming salamat po at more power.

Efren

 

Dear Efren,

Base sa mga inilahad mong pangyayari, maa­aring tama nga ang kutob mo na may lihim na pagtatangi sa iyo ang best friend mong si Jo Anne. Hindi ka naman manhid para hindi mo maramdaman ang lihim niyang ipinahihiwatig. Siguro, maka­bubuting iwasan mo nang lumabas kasama si Jo Anne na kayong dalawa lang.

Minsan, marahil, ipakumbida mo kay Jo Anne si Rose para sumama sa mga lakad ninyo. Sa ganitong paraan, unti-unti mong maihahanda ang loob ni Jo Anne na “iba ang tinititigan kaysa tinitingnan.”

Iwasan mo lang na makainitan ni Jo Anne si Rose dahil mayroong mga babae na kapag nasip­hayo sa pag-ibig, ang minamahal ng iniibig niyang lalaki ang siyang ginagantihan.

Magpatay-malisya ka na lang sa mga pag-iinarte ni Jo Anne. Makikita rin niya ang katotohanan na siya ay mahal mo bilang isang kaibigan at hindi maipipilit sa isang lalaki na ibigin siya kung mayroon namang ibang nagmamay-ari ng kanyang puso.

Good luck at bukas ang pitak na ito sa tulad mong may problema sa puso.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANNE

DAPAT

DEAR EFREN

DR. LOVE

JO ANNE

LANG

ROSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with