^

Dr. Love

May itinatangi ba ang pag-ibig?

-
Dear Dr. Love,

Sana, nasa mabuti kayong kalagayan kasama na ang mga miyembro ng PSN staff sa sandaling mabasa ninyo ang liham na ito.

Nagpasya po akong magpadala ng liham para po maihinga ko ang aking sama ng loob at makahingi ng mahalaga ninyong payo.

Matagal na pong mayroon akong nililigawang babae, subalit kung gaano na katagal ang pagtitiyaga ko, gayundin naman siya katagal sa kasasabing ibaling ko na lang sa iba ang pagmamahal ko dahil talagang wala siyang gusto sa akin.

Kahit na pinaprangka niya ako, ewan ko ba naman kung bakit hindi ko mapilit ang sarili ko na ibaling sa iba ng atensiyon ko. Sinubukan ko na ngang manligaw sa isang babaeng alam kong may gusto naman sa akin, pero nang malapit na niya akong sagutin, inihinto ko na ang pagpunta-punta sa kanila at pagsabay sa kanya pauwi mula sa trabaho.

Si Mia pa kasi ang laging laman ng isip ko at tulad ng isang sundalo, habang nahihirapan ako ay lalo akong nagsusumigasig na makuha ang kanyang matamis na "oo".

Ang sabi ni Mia, nagsasayang lang daw ako ng panahon sa kanya. Kahit daw wala pa siyang boyfriend, hindi ako ang hinihintay niyang prince charming.

Itinatanong ko naman kung ano ang ayaw niya sa akin. Wala naman siyang masabi. Ang tanging alam kong dahilan, mayaman ang pamilya ko at allergic siya sa isang tulad ko na kung bansagan niya ay elitista at hindi marunong kumain ng kaning tutong.

Pinipilit ko namang sumayaw sa tugtog niya. Mabait naman siya sa akin at hindi niya ikinahihiya ang kanyang kahirapan. Ito ang lalo kong ikinahahanga sa kanya.

Noong una ay ayaw sa kanya ng aking ama, pero nang igiit kong siya lang ang babaeng makapagpapaligaya sa akin, ako na raw ang bahala sa babaeng pakakasalan ko.

Ang diperensya nga lang, ni hindi ako maka-first base kay Mia.

Ano po kaya ang mabuti kong gawin para paniwalaan niyang mabuti ang aking intensyon sa kanya? Sadya nga bang mayroong pagtatangi ang pag-ibig at ang isang mahirap ay hindi para sa isang mayaman?

Tulungan mo po ako.
Ronnie



Dear Ronnie,


Dakila ang pag-ibig mo subalit hindi mo kamo mapapaniwala ang babaeng nililigawan para magtiwala siya sa iyo?

Talagang ilang ang mahihirap sa mayayaman. Hindi naman iisa o dadalawa ang kuwento hinggil sa pang-aapi ng mayaman sa mahirap. Ito marahil ang dahilan kung bakit ayaw ni Mia na ipakipagsapalaran ang kanyang pag-ibig.

Gayunman, bakit hindi mo subukang sa kanyang mga parents manuyo nang sa gayon, makuha mo ang pagtitiwala niya sa iyo.

Maaaring may iba pang dahilan ang dalagang sinisinta mo kung bakit hindi pa niya gustong makipag-boyfriend sa ngayon. Malay mong tumutulong pa siya sa pamilya para makaahon sila sa hirap?

Maramdamin ang mahirap at hanggang maaari ay nais nilang umangat sa kalagayan sa tulong ng sariling sikap kaysa sa pamamagitan ng pag-aasawa ng mayaman.

Sana matutuhan mong tanggapin na iba si Mia sa mga babaeng nakilala mo na at ang panliligaw mo sa kanya ay hindi lang isang hamon sa pagkalalaki mo dahil inaayawan ka niya.

Dr. Love

AKO

DEAR RONNIE

DR. LOVE

KAHIT

NAMAN

NIYA

SANA

SI MIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with