^

Probinsiya

Ex-Cafgu, nilikida

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay  , Philippines  — Tumimbuwang ang isang 48-anyos na magsasaka na dating kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o Cafgu matapos pagbabarilin ng ilang ‘di natukoy na armadong kalalakihan habang nagpapastol ng baka at kabayo sa bulubunduking lugar ng Zone 5, Brgy. Balogo sa bayan ng Pasacao, Cam Sur noong Biyernes ng umaga.  Ilang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Armando Paloma, residente ng Gawad-Kalinga Village sa nasabing barangay.  Ayon sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-6:00 ng umaga lumabas ng bahay ang biktima upang ipastol sa bundok ang kanyang mga inaalagaang baka at kabayo.  Gayunman, ayon sa asawa nito na si Jaena Paloma, ilang sandali pa lang ang nakalilipas ay magkakasunod na putok ng baril ang kanilang narinig. Nang puntahan niya at ilang kapitbahay ang lugar na pinagpapastulan ng kanyang asawa ay dito na bumungad ang bulagta nang bikitma habang nakitang papatakas ang mga gunmen patungo sa direksyon ng Sitio Lanipga sa nasabing barangay.  Nakuha sa lugar ng pamamaril ang ilang basyo ng bala ng kalibre 45 pistola.

vuukle comment

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with