^

PSN Palaro

JRU nais manatili sa 3rd spot vs Letran

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Patatatagin ng Jose Rizal University ang kapit nito sa No. 3 spot sa pakikipagtipan sa Colegio de San Juan de Letran ngayon sa pagbabalik-aksiyon ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang salpukan ng Heavy Bombers at Knights sa alas-2 kasunod ang duwelo ng Mapua University at Emilio Aguinaldo College sa alas-4.

Nakakapit sa solong ikatlo ang Heavy Bom­bers tangan ang 6-5 marka samantalang nanatili sa No. 4 ang Knights kasama ang San Sebastian College-Recoletos bitbit ang parehong 5-5 kartada.

Parehong galing sa kabiguan ang Jose Rizal at Letran.

Lumasap ang Heavy Bombers ng 109-115 double overtime loss sa last year’s runner-up Arellano University Chiefs noong nakaraang linggo samantalang umani ang Knights ng 82-88 pagyuko sa University of Perpetual Help System Dalta Altas noong Biyernes.

Kung mananalo ang Jose Rizal, mapapatatag nito ang kapit sa Top 4 sa ilalim ng nangungunang Lyceum of the Philippines (11-0) at nagdedepensang San Beda College (10-1).

Masakit ang kabiguan ng Jose Rizal sa Arellano subalit nais ni coach Vergel Meneses na kalimutan na ito upang maisentro ang kanilang isip sa mga susunod na krusyal na labang haharapin.

Target naman ng EAC na makawala sa three-way logjam sa No. 6 kasama ang Perpetual Help at Arellano.

Natalo ang Generals sa Stags, 69-81 noong Biyernes kaya naman ha­ngad ng tropa na ma­kabalik sa porma tangan ang kanilang armas para mapalakas ang tsansa sa Final Four.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with