^

PM Sports

Lady Stags target ma-sweep ang elims patungo sa Finals

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Haharapin ngayon ng San Sebastian Lady Stags ang tanging hadlang sa asam na sweep sa kanilang pakikipag-sagupa kontra sa nagde-depensang St. Benilde Lady Blazers sa huling araw ng elimination round ng 92nd NCAA volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bukod sa hanga-ring sweep, gusto rin ng Lady Stags na makaganti sa talo nila sa Lady Blazers sa best-of-three championship noong nakaraang taon.

Tangan ang 8-0 win-loss slate, mataas ang kumpiyansa ng Lady Stags sa laro nila sa ganap na alas-11 ng umaga kontra sa Lady Blazers na nakaupo sa solo third spot sa 6-2 card.

Kung magtatagum-pay ang tropa ni coach Roger Gorayeb ay didi-retso sila sa Finals dala ang ‘thrice-to-beat’ incentive.

Sakaling matalo ay mahuhulog sila sa stepladder format sa semifinals kung saan maghaharap muna ang No. 4 at No. 3 at ang mananalo ay lalaban sa No. 2 bago sa championship series.

Kung matatandaan, winalis rin ng Lady Stags ang elimination round ng nakalipas na taon.

Ngunit natalo pa rin sila sa Lady Blazers sa Finals kaya ayaw ni Gorayeb na maulit muli ang masaklap na karanasan.

“We have been waiting for this game. We hope, we can do much better this time,” sabi ni Gorayeb.

Sa panig naman ng Lady Blazers, hangad rin nilang ulitin ang mastery kontra sa Lady Stags para masungkit ang ika-pitong panalo at maiwasang dumaan pa sa playoff para sa No. 3 o No. 4 spots ng semis.

Malaki pa ang posibilidad na magkaroon ng three-way tie sa stan-dings kung mananalo rin ang Perpetual Help Lady Altas (5-3) laban sa Arellano Lady Chiefs (7-1) sa kanilang laro sa alas-12:30 ng tanghali.

Kung mananalo ang Lady Chiefs ay pormal na nilang makukuha ang No. 2 spot, ngunit kung matatalo ay magkaroon pa ng tabla sa parehong 6-3 cards ang Red Lio-ness, Lady Altas at Lady Blazers.

Winalis naman ng Lyceum Junior Pirates ang elimination matapos ang 25-8, 25-15, 25-18 panalo kontra sa San Sebastian Staglets patungo sa Finals tangan ang ‘thrice-to-beat’ bonus.

SAN SEBASTIAN LADY STAGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with