^

Pang Movies

Ate ni Bong, sa piitan piniling mag-birthday

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Birthday last Saturday ng nakatatandang kapatid ni former Senator Bong Revilla, Jr., na si Bacoor Councilor Rowena Bautista-Mendiola.

Isang intimate na salu-salo ang ginanap sa Custodial Center ng PNP,  na kung saan ngayon ay naka-detain pa rin sina Bong and his friend and former fellow Senator, Jinggoy Estrada. Karamihan sa dumalo ay mga kapamilya ng magkakapatid at ilang piling kaibigan.

Nandun, of course, ang mister ni Councilor Wena na si Boyet Mendiola at ang kanilang mga anak, kabilang ang magandang si Cheska, na dating nali-link sa pasikat na aktor na si Juancho Triviño ng GMA-7.

Namataan din namin si Ogie Diaz ng Home Sweetie Home na pina­ngungunahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Dumating din sina Gorgy Rula at Chit Ramos.

Medyo na-late dumating ang nakababatang kapatid nina Sen. Bong at Wena, ang dating Sieko Films star na si Princess Revilla na kaagad sinalubong ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla na kasama naman ang anak na si Gab.

Kararating lang ng mag-ama mula sa Iceland, where they spent the holidays with Jodi Sta. Maria and her son naman, Thirdy.

Hindi tiyak ni Vice Gob Jolo kung makakarating si Jodi, since may previous commitment daw ito.

In the case of Bacoor Mayor Lani Mercado, misis ni Sen. Bong at Mommy ni Vice Gov. Jolo, nasa Bacolod City daw ito.

Well, Wena, may happy returns of the day.

Ian nasulit ang bakasyon bago magtrabaho

From Iceland pala, where Ian Veneracion and his family also spent the holidays, tumuloy pa sila sa Dubai.

Bumalik sila agad ng Pilipinas dahil ang kanilang series na A Love To Last ay nagsimula nang umere kahapon. Directed by Jerry Lopez Seneneng and Richard Arellano, A Love To Last co-stars Ian with  Bea Alonzo and Iza Calzado.

Mapapanood din sa said series sina Julia Barretto at Ronnie Alonte, introducing naman ang singer na si JK Labajo.

A Love To Last is produced by Star Creatives, which Star Cinema Managing Director Malou Santos heads.

Magkasama rin sina Ian at Iza sa pelikulang Ilawod, na ipalalabas daw sa January 18.

Dating may autism, recording artist na!

Tutok marino kami last Sunday sa panonood ng Rated K, hosted by Korina Sancez, especially on his features about LA Santos na bagong Star Music artist, whose first album, according to Jonathan Manalo, executive ng Star Magic, will be released soon.

Dati kasing may sakit na autism at ADHD si LA at natuklasan ito ng kanyang ina dahil nang mag-nine years old ito, ay hindi pa ito makapagsalita ng matino. O, kahit kaya, nakakabasa, kahit pa matiyaga siyang tinuturuan ng ina.

Tsaka lamang daw nila nadiskubre na may sakit ang anak pagkatapos nilang kumunsulta sa isang expert.

LA’s  mom, though, chose not to give up on his son.

Nag-aral daw si LA sa isang special school for special children. Pagkatapos nito ay nag-attend na siya ng regular school kung saan very cooperative raw ang mga teacher ni LA na tulungan ang ina nito na maging normal na bata ang anak.

With what has happened to LA, who is now 18,  pinatunayan lang na kahit kailan walang ‘di gagawin ang isang mapagmahal na ina, para sa kanyang anak.

Let’s have more of this of kwento, Rated K.

 

vuukle comment

BONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with