^

PSN Showbiz

‘Mr. Bean’, ‘Nikki Minaj’, ‘Coco Martin’ hahataw sa Comikera Comedy Bar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang humpay na saya at tawanan ang inaasahang mangyayari sa Valentines presentation ng dinarayo na nga­yong comedy bar sa Southern Luzon, ang Comikera Co­medy Bar (nasa #8440Lecheria (Halang) National Highway, Calamba City, Laguna) na pinamagatang A Funny Valentines.

Grabeng katatawanan as in maghahasik kasi ng doble-dobleng kasiyahan sa mismong Valentine’s Day, Pebrero 14, Biyernes, sa ganap na alas-9 ng gabi sa nasabing ve­nue ang grupong nagbigay-aliw nang husto sa Pilipinas Got Talent (PGT’s Season 4), ang nakababaliw na The Miss Tres (binubuo nina Angel, Mariko, at Mia).

Bukod sa kanila, itatampok din sa nasabing show ang ilan sa mga naging grand finalists ng It’s Showtime’s Kalokalike Face2 ng ABS-CBN 2 na sina Mr. Bean, Nikki Minaj, at Coco Martin. Idagdag pa bilang mga front-act ang mahuhusay na hosts at impersonators ng Comikera Comedy Bar na nina Eva Bay, Witney Winston, Krissy Diva, Twinkle, Lani M. at Nancy Barretto, tiyak na dadagundong sa halakhakan ang buong venue.

“Ginawa namin ito para maging masaya ang Valentine ng mga magsi-celebrate nito sa aming bar. Kaya nga iti­nodo na namin ang mga talents at pinagsama-sama sa show na ito para mas lalong bongga,” banggit ng Operations Ma­nager ng nasabing bar na si Ms. Nancy Ignacio Di­maranan,

Kaya sa mga gustong sumaya ang Valentines, magpareserba na kayo ng tickets (P400 each) sa sumusunod na numero: 0917 539 8883. 

 

vuukle comment

A FUNNY VALENTINES

CALAMBA CITY

COCO MARTIN

COMIKERA CO

COMIKERA COMEDY BAR

EVA BAY

KAYA

KRISSY DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with