^

Punto Mo

‘Ginisang bato’, kakaibang delicacy na matatagpuan lamang sa China!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAG-VIRAL kamakailan sa TikTok ang ilang vi­deo kung saan mapapanood ang isang chef sa isang food stall na ginigisa sa bawang at chili oil ang mga bato!

Ayon sa mga food historians sa China, ang “Suodiu” ay pagkain na naimbento noong sinaunang panahon ng mga mangingisda sa Hubei province. Kapag ang mga mangingisda ay naubusan na ng makakain at na-stran­ded sila sa gitna ng Yangtze River, maggigisa sila ng mga bato gamit ang chili oil, garlic at iba pang pampalasa.

Para hindi makadama ng gutom, sisipsipin nila ang bato at iluluwa ito kapag wala na itong lasa. Bahagyang nakalimutan na ang delicacy na ito nang maimbento na ang motorized boat at naging mabilis na ang biyahe sa mga ilog.

Pero ngayong 2023, na­ging trend ang pagkain nito sa China matapos magkaroon ng 800,000 views ang isang video kung saan pinapakita kung paano ito kainin. Mara­ming naintriga sa delicacy na ito at maraming tanong ang mga netizens matapos itong mag-viral.

Isa na rito ay kung anong klaseng bato ang ginagamit at kung kailangan ba na ibalik sa tindahan kapag natapos na itong sipsipin. Ayon sa chef na nagluluto nito, bato mula sa ilalim ng ilog ang ginagamit sa Suodiu dahil bukod sa makinis ito, may lasa at amoy ito na parang “seafood” kapag sinangkutsa sa mainit na kawali.

Mabibili sa halagang 17 yuan (katumbas ng P132) ang isang serving Suodiu sa mga night market sa China.

FOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with