Sumawsaw sa away ng kapitbahay, dinedo
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Hindi inaasahan ang kamatayan ng 35-anyos na magsasaka matapos itong mapuruhan ng saksak nang sumawsaw sa away ng mga kapitbahay sa Barangay Turod, bayan ng Reina Mercedes, Isabela kamakalawa. Ayon kay PO3 George Peralta, pauwi na ang biktimang si Henry Simangan mula sa inuman nang mamataan nito ang pagtatalo ng kanyang kaanak na si Clemente Simingan at ang nagwawalang si Emilio Aguinaldo na may hawak na kutsilyo.? Gayunman, nagalit ni Aguinaldo sa pakikialam ng biktima kaya inundayan ng saksak sa tiyan.?Isinugod ni Clemente si Henry sa pribadong pagamutan sa Cauayan City kung saan siya idineklarang patay habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na sinasabing apo sa tuhod ng dating Pangulo ng bansa. Raymund Catindig
- Latest























