Andrea, mas bet ang masipag kesa mayaman!

Dalawampu’t tatlong taong gulang na si Andrea Brillantes. Naranasan na rin ng aktres na magkaroon ng kasintahan.
Marami nang natutunan ang dalaga tungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon. “Love is something that we’re still constantly learning. Hindi naman masasabing I know everything about love. Ngayon masasabi ko na marami na akong natutunan tungkol sa pagmamahal, sa pag-ibig. Ngayon mas alam ko na po ang gusto ko at kailangan ko when I enter a relationship. Whether friendship ‘yan or romantic relationship ‘yan. Ngayon mas clear na ang view ko of what self-love looks like,” paglalahad sa amin ni Andrea sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ikinalulungkot ng dalaga na hindi na masyadong nangyayari ang ligawan ngayon. “Sa totoo lang nalulungkot ako hindi na kasi siya ginagawa. Dati po I feel like it was the standard? Right now, unfortunately it has to be asked. Like parang gusto ko ligawan mo ako. ‘Yon po ang napapansin ko ah, I can’t speak for everyone. I can speak for my generation. Pero napapansin lately na situationship. Para lang siyang M.U., mutual understanding, para lang siyang relationship na walang label, nagho-holding hands tayo, nag-a-I love you-han tayo, nagseselos na tayo. Magkasama na araw-araw, ‘yung iba nga live-in na pero wala pa ring label. Ang tawag sa kanila, ‘I’m in a situationship.’ Kasi it’s a situation that you can’t describe na nilagyan lang ng relationship. Kaya siya naging situationship,” makahulugang paliwanag ng aktres.
Matatandaang ang basketball player na si Ricci Rivero ang huling naging nobyo ni Andrea. Taong 2023 nang magkahiwalay ang dalawa. Hindi na raw muling gagawin ng aktres na manligaw ng isang lalaki na kanyang naranasan na noon. “No, hindi ko po kayang manligaw sa lalaki. Meron na po ngayon (babaeng nanliligaw sa lalaki) actually. Wala naman po akong judgment diyan. I support girls naman. Girls can make the first move. Ako, nagawa ko na din ‘yan. Based on my experience din kasi, it didn’t work out for me. If there are girls na gustong manligaw sa lalaki, I don’t think naman mali talaga ‘yon. Pero based lang sa experience ko, naging mali po siya. Hindi ko siya gagawin ulit,” natatawang pahayag ng dalaga.
Aminado si Andrea na mahilig siya sa lalaking gwapo. Mas mahalaga rin para sa aktres ang pagiging masipag kaysa mayaman ng isang lalaki. “Of course, mahilig po ako sa gwapo. Sino ba namang hindi mahilig sa gwapo? Hindi naman ‘yon ang una kong tinitingnan talaga. Pagkatao po talaga ang una kong tinitingnan ngayon. Sa totoo lang ang importante sa akin masipag, hindi mayaman. Kasi being in this industry ang dami kong nakikilala kahit hindi artista pero sa mga parties, sa mga events at ang dami ko nang nakakasama.
“Again, I can’t speak for everyone. Sa experience ko, ang dami ko nang nakakasama na mayayaman. Wala pa ‘kong na-meet na mayaman na nakapag-impress sa akin. Ang kailangan ko po ay ‘yung lalim, sipag, meron kang direksyon na gustong puntahan. ‘Yung yaman, it doesn’t matter sa akin. Kasi mayaman na ako, kaya ko naman na. Hindi naman ako nagde-date para lang yumaman. Kasi I can provide everything that I need. What I need from you is to be a man with direction and drive,” masayang pagbabahagi ng dating child star.
Nagbigay rin ng opinyon ang dalaga tungkol sa cheating o pangangaliwa ng isang lalaki. “Iba na po talaga ang social media ngayon. Para sa iba cheating na ang puro like o follow ng mga babae. I know where that is coming from. For me isa sa mga (ginagawang) cheating is deleting messages. Kasi bakit ka magde-delete ng message? Bakit mo ‘yon itatago? Cheating is also watching other people, watching porn. For me that’s cheating kasi hindi ka dapat tumitingin talaga sa iba lalo na kung may partner ka. That’s really disrespectful and makaka-harm ‘yon sa relationship ng dalawang tao,” pagtatapos ni Andrea. (Reports from JCC)
- Latest

























