^

Probinsiya

Binasted na manliligaw, ‘utak’ sa pagpatay sa coed

Joy Cantos, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Binasted na manliligaw, ‘utak’ sa pagpatay sa coed
Kinilala ni P/Lt. Col. Aleli Buaquen, hepe ng Lipa City Police ang mga nasakoteng suspect na sina Kevin Gonzales, 30, sinsasabing utak sa krimen, ng Poblacion 6, Tanauan City, at ang kaklase nitong si Rolando Egay, 30, ng  Bry. Pangao ng lungsod.
File

MANILA, Philippines — Crime of passion ang lumilitaw na motibo ng pagpaslang sa isang dalagang architecture student ng National University (NU) na pinagsasaksak sa Lipa City, Batangas matapos namang masakote ang dalawang suspect kabilang ang binasted na manliligaw ng biktima, ayon sa pulisya nitong Lunes.

Kinilala ni P/Lt. Col. Aleli Buaquen, hepe ng Lipa City Police ang mga nasakoteng suspect na sina Kevin Gonzales, 30, sinsasabing utak sa krimen, ng Poblacion 6, Tanauan City, at ang kaklase nitong si Rolando Egay, 30, ng  Bry. Pangao ng lungsod.

Ang mga suspect ay nasakote sa planadong pagpatay sa biktimang si Jazmine Iya Martinez, 20-anyos, 3rd year architecture student ng NU-Lipa, ng Brgy. Duhatan, Lipa City.

Si Martinez ay sinundan at pinagsasaksak ng suspect na si Egay habang naglalakad pauwi sa kanilang tahanan noong gabi ng Oktubre 14, 2026.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na hindi matanggap ni Kevin ang pamba-basted sa kanya ng dalaga sa kabila ng dalawang taong panliligaw rito na nais umanong iprayoridad ang pag-aaral kaya plinano nito ang krimen.

Sinasabing inutusan ni Kevin si Egay na binayaran nito ng P10,000 para pagsasaksakin ang biktima noong gabing mangyari ang krimen. Ilang araw na rin umanong minamanmanan ng mga suspect ang pag-uwi ng dalagang estudyante.

Sa pagsusuri ng mga pulis sa CCTV footage na kuha sa Brgy. Banay-Banay, natukoy ang lalaking sakay ng motorsiklo noong gabing mangyari ang krimen. Nasundan ang footage sa isang bahay at nasakote si “Egay” habang arestado sa follow-up operation si alyas “Kevin” sa Poblacion 6, Tanauan City na itinurong mastermind sa krimen.

Nakumpiska rin ang murder ­weapon, damit at sumbrerong itinago ni Egay na ginamit sa pagpatay sa biktima.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with