PANOORIN: Leandro Leviste, may arrest warrant galing korte sa Makati
MANILA, Philippines — Naglabas ang Makati Regional Trial Court ng arrest warrant laban kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kaugnay ng umano’y paglabag sa Public Service Act.
Ayon sa kopya ng warrant na ipinadala ng National Bureau of Investigation, inilabas ito ng Makati RTC Branch 235 noong Oktubre 5 at itinakda ang piyansa ni Leviste sa P72,000.
Bahagi ito ng graft at plunder investigation ng Office of the Ombudsman laban kina Leviste at sa kanyang ina na si Sen. Loren Legarda, kaugnay ng umano’y iregularidad sa solar energy projects at service contracts na konektado sa mga kumpanya ni Leviste.
Parehong sinasabing nasa France ang mag-ina, pero ayon sa spokesperson ni Legarda na si lawyer Tony La Viña, sumasailalim siya sa gamutan doon dahil sa sakit sa baga.
- Latest



















