^

Bansa

AFP: May ‘nagtitimbre’ sa China ng RORE missions

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Rerepasuhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang security protocols matapos lumutang ang posibilidad na may nagbibigay ng impormasyon sa China kaugnay ng mga Rotation and Resupply (RORE) mission ng bansa sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na sinusuri na nila ang lahat ng posibleng security vulnerabilities kasunod ng pinakahuling insidente ng harassment laban sa mga barko ng Pilipinas.

Noong Setyembre 24, hinarang umano ng tatlong barko ng People’s Liberation Army Navy (PLA-N) at limang sasakyang-pandagat ng China Coast Guard (CCG), kabilang ang dalawang Houbei-class missile boats, ang RORE mission na magdadala ng suplay sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Inaalam ngayon ng AFP kung paano nalalaman ng panig ng China ang detalye ng kanilang mga operasyon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Trinidad na handa ang AFP sa mga susunod na RORE mission.

Dagdag niya, nakasalalay sa commander ng AFP Western Command ang pagpapasya kung kailan ilulunsad ang susunod na RORE mission sa West Philippine Sea.

AFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with