^

Bansa

Talamak na ‘palakasan’ sa pabahay ng gobyerno, sinita ni Sen. Raffy!

Pilipino Star Ngayon
Talamak na ‘palakasan’ sa pabahay ng gobyerno, sinita ni Sen. Raffy!
Sen. Idol Raffy Tulfo on September 30, 2026
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ikinabahala ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang ­ilang mga reklamo na nakara­ting sa kanya ukol sa talamak na palakasan system umano sa pabahay ng gobyerno kung saan ang madalas daw na napapaboran ay ang mga taga-munisipyo at mga “bata” ni mayor o kapitan.

Sa Senate budget hearing ng Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) at mga attached agencies nito, kabilang ang National Housing Authority (NHA) kahapon, sinabi ni Sen. Raffy na nakarating sa kanya na ang ibang naa-awardan ng pabahay ng NHA ay may mga sariling property na o dili kaya ay may kotse pa pero nasasama sila sa listahan dahil sa kanilang koneksyon. Ang masaklap, ginagamit ng ilang politiko ang pabahay ng gobyerno na reward sa kanilang mga botante.

Paliwanag ni Joeben Tai, General Manager ng NHA, nagbabase lamang sila sa listahan ng benepisyaryo na ibinibigay ng LGU o national government agencies sa kanila para sa mga pabahay ng gobyerno gaya ng resettlement projects o housing program para sa calamity victims.

Dahil dito, iminungkahi ni Sen. Raffy kay Tai na magkaroon ang NHA ng dedicated unit para sa masusing vetting ng mga benepisyaryo ng mga housing program ng gobyerno upang hindi lamang umasa sa mga listahang isinusumite ng LGU o iba pang ahensya at upang matiyak na tunay na kwalipikado ang mga makatatanggap ng pabahay – na kanyang sinang-ayunan.

Pinaalalahanan din ni Idol si Tai na tiyaking hindi ipinapasalo o ipinagbibili ng mga benepisyaryo sa iba ang mga housing unit na ipinagkaloob sa kanila at hindi rin ito ipinaparenta. Sinang-ayunan naman ito ni Tai at nangakong paiigtingin ang monito­ring upang maiwasan ang ganitong kalakaran.

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with