Lacson umaastang Chief Justice, Prosecutor, DOJ Chief – Cayetano

MANILA, Philippines — Muli na namang uminit ang palitan ng maanghang na salita sa pagitan nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Panfilo Lacson.
Ito ay matapos punahin ni Cayetano si Lacson na umaasta aniyang chief justice, prosecutor at nagdidikta kung paano dapat isagawa ang mga imbestigasyon sa flood control projects.
“Si Senator Lacson kasi ay Chief Justice Lacson, Prosecutor Lacson, DOJ (Department of Justice) Lacson, Persecutor Lacson, siya na lahat, Secretary Lacson – siya na ang lahat. Siya na ang nagdidikta eh – sa LLDA, Blue Ribbon Committee, DILG at PRA. Kahit sila na mismo ang magsabi, babaguhin niya,” sabi ni Cayetano sa kanyang Facebook live.
Ang pahayag ay ginawa ng senador matapos na kumpirmahin ni DPWH Secretary Vince Dizon kay Cayetano sa budget hearing na walang ghost projects sa Taguig City.
Subalit giit ni Lacson, na mayroong ebidensya sa umano’y maanomalyang proyekto sa Taguig City at sinabi kay Dizon na huwag kontrahin ang sariling findings ng kanyang mga tauhan.
Binalewala naman ni Lacson ang panibagong tirada ni Cayetano.
“If it were coming from someone creidible, I’d take it as a compliment,” wika ni Lacson sa X.
- Latest























