NBI: VP Duterte, Velasco iimbitahan sa P2 bilyong cash

MANILA, Philippines — Planong imbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte at iba pang binanggit na mga pangalan ng dating security aide ni dating House Speaker at Marinduque congressman Lord Allan Velasco kaugnay sa male-maletang pera at iba pang regalo na idineliber umano sa mga personalidad.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na kailangang makuha rin ang panig ng mga tinukoy na personalidad kaya iimbitahan nila ito, batay sa mga alegasyon at mga isinumiteng mga larawan ni Rodulfo Gracioso Jr., bilang bahagi ng imbestigasyon.
“..maraming pictures nagmo-motor sila… so, it has yet to be validated and authenticated. So what do we do is to invite Vice President…invite ha , we’d like to say the invite not subpoena …” ani Matibag.
Lunes nang personal na magtungo si Gracioso sa tanggapan ng NBI, kasama si Fr. Flavie Villanueva, isang anti-corruption advocate, sa pagsusumite ng sinumpaang salaysay.
Kabilang din sa isinumite ang ilang larawan na nagpapakita na magkasama sila ni VP Sara at Velasco, bukod pa sa ibang larawan sa paghahatid umano ng male-maletang pera sa Bise Presidente na nanggaling diumano kay Velasco.
- Latest























