Romualdez, naghain ng bail petition sa kasong plunder

MANILA, Philippines — Naghain na si dating House Speaker at Leyte Congressman Martin Romualdez ng bail petition sa Sandiganbayan Third Division upang payagan siyang pansamantalang makalaya kaugnay ng kasong plunder na isinampa laban sa kanya. Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y P7.4 bilyong kickback mula sa mga infrastructure project ng gobyerno.
Kasalukuyang nakapiit si Romualdez sa Quezon City Male Dormitory sa Payatas matapos siyang ilipat mula sa isang pribadong ospital sa San Juan City, kung saan siya na-confine dahil sa mga karamdaman kabilang ang hypertension at diabetes. Naaresto ang dating mambabatas habang nasa naturang ospital.
Inilipat siya sa Quezon City Jail matapos ipahayag ni Philippine General Hospital (PGH) Medical Director Gerardo Legaspi na clinically stable na siya at hindi na nangangailangan ng pananatili sa ospital.
Kapwa akusado ni Romualdez sa kaso sina dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dalawa pang iba.
- Latest


















