^

Police Metro

Arraignment ni VP Duterte sa kasong grave threats, iniliban

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Que­zon City Regional Trial Court Branch 98 nitong Biyernes ang arraignment o pagbasa ng sakdal ni Vice President Sara Duterte sa kasong grave threats.

Si VP Sara ay nagtungo sa Quezon City Hall of Justice kasama ang kapatid na si Rep. Paolo Duterte.

Ayon sa abogado ­niyang si Paul Lawrence Lim, hiniling nila sa korte na ipagpaliban muna ang arraignment at pinagbigyan naman ito.

Tumanggi si Lim na isapubliko ang nakasaad sa mosyon dahil sa sensitibo ang usapin at bilang pagrespeto na rin sa korte.

“Hindi ko masasabi po ‘yung nature ng motion. Pero kabilang na doon sa mga hinihingi namin ‘yung ipagpaliban muna or i-defer ‘yung kanyang arraignment habang pinag-aaralan ng huwes ‘yung motion. So pinagbigyan naman niya ‘yung pag-defer,” dagdag ni Lim.

Sinabi naman ng Department of Justice na siyang nagsampa ng kaso kay Duterte na iginagalang nila ang desisyon ng korte.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with