^

Probinsiya

Mag-utol na notoryus, dakma sa P3.4 milyong shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na notoryus, dakma sa P3.4 milyong shabu
Nakakulong na ang magkapatid na nakunan ng P3.4 million na halaga ng shabu ng mga anti-narcotics agents sa isang entrapment operation sa Cotabato City nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines — Arestado ang magkapatid na notoryus nang makunan ng P3.4 million na halaga ng shabu ng mga anti-narcotics agents sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion 6, dito sa lungsod nitong umaga ng Lunes.

Iniulat nitong Martes ng mga city at barangay officials sa Cotabato City na tumulong sa pagpaplano ng naturang entrapment operation na ang mga magkapatid na sina Kaharudin Taya, 27-anyos, at ang 26-anyos na si Yasser Taya ay nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region, lilitisin sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Edgar Jubay, regional director ng PDEA-BARMM, agad na inaresto ng kanilang mga agents at mga pulis ang magkapatid na nakabili sa kanila ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion 6.

Ayon kay Jubay, naisagawa ng PDEA-BARMM ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga barangay officials at ng tanggapan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, ng mga units na pinamumunuan ni Col. Jibin Bongcayao, director ng Cotabato City Police Office, at ng mga bara­ngay officials na alam ang mga illegal na gawain ng magkapatid.

Nakumpiska rin ng mga PDEA-BARMM agents mula sa magkapatid ang kulay green na multicab na kanilang gamit sa paghahatid ng shabu at marijuana sa mga contacts sa mga liblib na lugar sa lungsod at mga bayan ng Maguindanao del Norte.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with