PPA tiniyak maayos na biyahe sa mga pantalan ngayong New Year
MANILA, Philippines — Upang matiyak na maayos ang magiging biyahe ng mga pasahero ngayong papalapit ang Bagong Taon, nagsagawa ng surprise inspection si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa Batangas Port Passenger Terminal nitong Disyembre 27.
Ang Batangas Port sa ngayon ang may pinakamalaking passenger terminal building para sa mga pasahero kung saan umaabot sa 17,000 hanggang 22,000 ang average passenger nito kapag peak season.
Samantala, nag-inspeksiyon din si GM Santiago sa gate ng terminal kung saan nagkaroon ng siksikan ng mga tao sa labas ng terminal ng pantalan noong kasagsagan bago mag-Pasko.
Aniya, maluwag naman ang loob ng terminal at kayang tumanggap ng 8,000 pasahero ngunit karamihan sa mga nagiging problema ang online ticketing dahil mabagal umano ang pagproseso ng mga shipping line.
Idagdag pa umano na karamihan ng mga pasahero ay hindi pa rin naka-booking online bago pumunta sa pantalan.
- Latest