^

Bansa

Droga nasaan?

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nababahala si Marinduque Rep. Allan Velasco kung saan napupunta ang mga bilyon-bilyong halaga ng nakukumpiskang illegal na droga ng mga awtoridad mula sa kanilang mga operasyon.

Ayon kay Velasco, nakakapag-alala kung ano na ang nangyayari sa mga ebidensya na nakukumpiska mula sa mga drug busts.

Giit ng kongresista, bagamat pinupuri nila ang Philippine Drug En­forcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agencies dahil sa pagkakakum­piska ng halos 500 kilo ng shabu, hinihikayat pa rin niya ang mga ito na ingatan ang mga ebidensya laban sa mga responsable sa pagdadala ng illegal na droga para masampahan ng kaso sa korte at maipanalo ito.

Marami umanong nakakarating na balita sa kanila na ang ilan sa mga otoridad ay tumatalikod sa kanilang sinumpaang tungkulin at nagbebenta ng mga ebidensya na dapat hindi nangyayari.

vuukle comment

ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with